Helow mga kablaggers! Kamusta? Magbabagong taon na, nakasakay ka na ba sa pinakamalaking ferris wheel sa pinas?
Kung hindi pa, sakay na!
LOL
Hindi ako promoter ng ferris wheel na yan at lalong hindi ako affiliated sa kanila… Pinicturan ko lang ang sobrang laking ferris wheel dahil sobrang laki niya (walang basagan ng itlog)
Parang pag ikot ng buhay (weh?) o sige buhay ko na lang…parang pag-ikot ng buhay KO ang pag ikot ng malaking ferris wheel na yan…Sobrang bilis ng isang buong ikot ng 2011 ko 8mins and 45secs lang…sa katunayan naipatala ko na sa guiness ang record na ito (korni ampota). Sa sobrang bilis ay parang dumaan lang sa akin ang 2011, ni hindi man lamang kami nakapag-kape sa starbaks sana man lang eh nailibre ko sya ng caramel macchiato with extra shot ng pareho naman kaming magising sa kamalayan ng taon dahil parang ako…ay nakatulog lang…okay fine marami din namang nangyare sa buhay ko na ka-ek-ekan, maraming dramahan, sobrang daming ka-dramahan, konting kamalayan, sobrang daming pagkain (paulit ulit ampota)…hindi ko naman sinasabing naging malungkot ako sa piling ni 2011 ang sinasabi ko lang naman na sana ay uminom ako ng enervon para “more energy, mas happy” (muli, hindi ako endorser ng kahit na ano)
Hindi ko maipagkakaila na puro paglamon (isa na lang pramis) lang ang ginawa ko ngayong taon…I can’t help it, maraming beses kong pinagtaksilan ang pagddiet pero anung magagawa ko, kung talagang pagkain ang hanap ng puso ko? (dafuqq? lol) Para sakin, magastos ang taon nato…ngayong taon ako nakabili ng mga makasalanang gadgets (kayo na ang humusga: cp, itouch, cameraS, psp etc) at maluluhong bagay na hindi ko naman kinakailangan sa buhay ko (pero yung cp exceptional yun ah!)…hindi ako nagbbrag, gusto ko lang ipa-alala sa sarili ko na: “itlog ultimo load ng Dragon Nest (online game) pinatos mo, wala ka na talagang pag-asang makapag-ipon” oo ako na! ako na ang mabisyo! Pero may isa naman akong achievement this year (naks!) I PROUDLY QUIT SMOKING (oha! oha!) after ..1..2..4years! I’m done with it! (ako na! ako na talaga!)
Anyways…Gusto ko lang din naman magpaalam kay 2011 ^_^
Paalam.
Hello 2012!
Wag mo muna gunawin ang mundo pls?
2012: “Pag-iisipan ko pa”
Happy New Year to all ^_^
and Peace be with you
- itlog officially signing off 2011



Naganap na Tsismisan